Dating Cebu City Mayor Tomas Osmena, ibinunyag na may P1-M payola si dating PCSO GM Garma kada linggo nang nasa CIDG pa ito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ni dating Cebu City Mayor Tomas Osmeña na pine-personal nito si dating PCSO General Manager at retired police colonel Royina Garma nang italaga ito bilang hepe ng Cebu City police.

Giit ni Osmeña, kaya niya tinututulan ang pagkakatalaga kay Garma dahil sa ulat na tumatanggap siya ng hanggang P1 milyong payola bilang hepe ng CIDG Davao.

“This was before she was even appointed as Police Chief in Cebu. That’s why I didn’t like her. I didn’t endorse her. Under the Local Government Code, you need the approval and clearance of the City Mayor. Duterte just put her there whether I like it or not.” Ani Osmena

Natukoy din aniya sa impormasyon na ang bag man niya ay isang SPO4 Art.

Batay sa pagdinig ng Kamara, si SPO4 Arthur Narsolis ay naging karelasyon ni Garma at tumulong na siya ay maitalaga sa PCSO.

Malaki naman ang pasasalamat ni Osmeña sa ginagawang imbestigasyon ng komite, at handa aniya siyang makipagtulungan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga posibleng insidente ng extrajudicial killings sa Cebu.

Sabi pa niya, na hindi lang mga drug suspect ang nasawi ngunit maging mga inosenteng pulis at iba pang sibilyan.

“I can tell you that there were innocent policemen and civilians killed. I will tell you more in your next hearing,” ani Osmeña. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us