Dating Mayor Alice Guo, ibinahaging may isang dayuhang tumulong sa kanila na makalabas ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isiniwalat ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isang dayuhan ang tumulong sa kanya na tumakas at lumabas ng Pilipinas.

Hindi man pinangalanan sa public hearing, isinulat naman ni Guo sa isang papel at ipinakita sa mga senador ang pangalan ng nag-ayos na makasakay sila ng yate na palabas ng Pilipinas.

Base naman sa impormasyon ni Senador Jinggoy Estrada, ang personalidad na ito ay nagmamay-ari ng passport mula sa limang bansa at kasalukuyang nasa Taiwan na.

Base sa salaysay ni Guo, para makalabas ng Pilipinas noong Hulyo ay sumakay sila sa isang yate mula sa isang pantalan sa Metro Manila.

Pagkatapos ng ilang oras ay saka sila lumipat sa isang barko kung saan sila nanatili ng mga tatlo hanggang limang araw.

Pero ayon kay Guo, pagdating sa malaking barko ay nanatili lang sila sa isang kwarto kasama ang mga kapatid niyang sina Shiela at Wesley Guo.

Matapos sa malaking barko ay lumipat muli sila sa isang maliit na bangka patungo na ng Malaysia.

Sa buong biyahe ay kinuha rin umano ng tumulong sa kanila ang kanilang cellphone.

Nanindigan rin ang dating alkalde na walang Pilipinong tumulong sa kanya na makatakas sa Pilipinas, at itinanggi rin nito ang impormasyon na nagbayad sila ng P200 million para makalabas ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us