Dating Mayor Alice Guo, mananatili sa kustodiya ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mananatili sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility si dating Mayor Alice Guo hangga’t hindi nareresolba ang mga legal na isyu tungkol sa kinakaharap nitong graft cases sa Capas, Tarlac RTC (regional trial court).

Ito ang naging desisyon ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros matapos ilatag ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kwestiyon sa legalidad ng paghawak ng Tarlac Court sa kaso ni Guo.

Paliwanag ng majority leader, labag sa batas (partikular sa RA 10660) ang paghawak ng Capas, Tarlac RTC sa kaso ni Guo dahil hindi dapat ihain ang kaso ng isang halal na opisyal sa Judicial Region na pinaglilingkuran nito.

Dahil sa kwestiyon na ito, iginigiit ni Tolentino na ang Senado dapat ang humawak sa kustodiya ng dating alkalde.

Ayon kay Hontiveros, habang nireresolba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) ang usapin ay susulat rin ang kanyang komite sa presiding judge ng kaso at sa Office of the Ombudsman.

At habang hindi pa nareresolba ang legal issue na ito ay sa PNP muna aniya si Guo

Una na ring sinabi ng senador na makikipag-ugnayan rin ang Senate Office of the Sargeant -at-Arms (OSAA) sa PNP para kung sakaling maghain ng piyansa si Guo ay ibibigay agad sa mataas na kapulungan ang kustodiya nito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us