Dating Mayor Alice Guo, pina-contempt muli ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pina-contempt ng Senate Committee on Women si dating Mayor Alice Guo na humarap sa pagdinig ng komite.

Ayon kay Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros na ito ay dahil sa patuloy na pagsisinungaling sa mga senador at pag iwas sa mga tanong ng mga senador.

Sa pagdinig, iginiit ni Guo na hindi niya masasagot ang tanong kung siya ba si Guo Hua Ping dahil may kaso nang nakasampa laban sa kanya kaugnay nito.

 Hindi rin nito masabi kung saan nanggagaling ang sinasabi niyang banta sa kanyang buhay.

Nanindigan rin si Guo, na siya ay isang Pilipino at itinanggi na mayroon siyang Chinese passport sa kabila ng findings ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kahit pa may bagong contempt order ay sa PNP Custodial Center pa rin mananatili si Guo alinsunod sa commitment order na inilabas ng Capas, Tarlac RTC Branch 109.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, makikipag ugnayan siya sa korte para matiyak na oras na magpiyansa si Guo ay diretso sa Senate mapupunta ang kustodiya nito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us