Dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr, dumistansya sa paglutang ng kaniyang pangalan sa isyu ng POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumangging magkomento si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Benjamin Acorda Jr. sa paglutang ng kaniyang pangalan sa pagdinig ng Senado na may kinalaman sa POGO.

Ito’y makaraang ilabas ni Senador Risa Hontiveros sa naging pagdinig kahapon ang larawan ng kapatid ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang na si Tony kasama si Acorda gayundin ang kapatid ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Wesley.

Gayunman, hindi direktang tinukoy sa pagdinig kung ano ang naging ugnayan nila Yang at Acorda maging kung ano ang kaniyang naging koneksyon sa POGO.

Sa isang text message na ipinarating ni Acorda sa PNP Press Corps sa Kampo Crame, sinabi nito na mahal niya ang bansa at ang hanay ng PNP.

Binigyang-diin pa nito na ginawa niya lamang kung ano ang dapat gawin ng isang Pilipino gayundin ng isang pulis. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us