Nanindigan ang mga tagapangulo ng House Quad Committee na hindi maaaring magtago si dating Presidential Spokersperson Harry Roque.
Kaugnay ito sa ibinabang contempt order ng komite kay Roque dahil sa patuloy na hindi pagsusumite ng mga hinihinging dokumento patungkol sa posiblegn pagkakasangkot niya sa operasyon ng iligal na POGO.
Sa isang pahayag, sinabi pa mismo ni Roque na hindi siya magpapahuli o magpapa aresto.
Giit ni Manila Rep. Bienvenido Abante, ang pagtatago ay indikasyon na guilty ang isang tao.
Sabi pa niya, kung walang isyi sa mga dokumento na pinapasumite sa kaniya ay hindi niya kailangang magtago.
“The law applies to everyone. Roque’s actions are not about standing up for his rights—they are about avoiding accountability. He is not above the law. Congress has the authority to investigate, and his defiance only fuels suspicion that he is trying to conceal evidence that can incriminate him. Kasi kung wala namang issues sa documents na pinapasubmit sa kanya, bakit hindi sya mag comply? Kung talagang wala siyang kasalanan, bakit siya nagtatago?” Ani Abante.
Giit naman ni Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers na dahil sa pag-iwas ni Roque sa contempt order ng Kamara ay maituturing siyang fugitive from justice.
Buwelta pa niya, kung walang tinatago ang dating opisyal, hindi nito babastusin ang komite at tatawagin pang ‘kangaroo court’
Sabi pa ni Barbers, malaya si Roque na maghain ng legal remedies sa korte, ngunit, kailangan muna siyang ma-aresto.
At anoman aniya ang maging desisyon ng korte ukol dito ay igagalang ng komite.
“As far as Mr. Roque is concerned, he is considered a fugitive from justice by defying the Quadcom’s order to place him under detention. We welcome whatever legal challenge he may opt to against Quadcom. But he needs to get arrested first before he can file those petitions before the Supreme Court. Mr. Roque can run but he cannot hide from the law. Once arrested and files his petitions or legal remedy before the Supreme Court, the Quadcom will respect and abide with whatever decision the high court would dish out,” sabi ni Barbers
Ayon pa sa mambabatas dapat ay magpakalalaki si Roque at tuparin ang una na niyang pangako na isusumite ang mga dokumentong hinihingi ng komite.
Partikular na napuna ng komite ay ang paglaki ng kaniyang asset ng kaniyang kompanya n Biancham mula P125,000 noong 2016 na naging P125 million noong 2018.
Kinumpirma naman ni co-chair Dan Fernandez na batay sa ulat ng House Sergeant-at-Arms na naisilbi na ang warrant off arrest kay Roque na tinanggap ng kaniyang chief of staff.
Paalala pa ni Fernandez na ang pagpapa-contempt ng Kongreso ay kapangyarihang ipinagkaloob ng batas.
Kaya naman kung patuloy na tatakas si Roque ay hindi malayo na mawalang saysay mga gagawing imbestigasyon ng Kamara at Senado dahil hindi na rin ito irerespeto ng mga resource person.
Sa Huwebes ipagpapatuloy ng Kamara ang imbestigasyon sa isyu ng iligal na POGO.
Imbitado pa rin aniya si Roque, kaniyang asawa na si Mayla Roque, Cassandra Ong at maging si Alice Guo. | ulat ni Kathleen Forbes