DBM, naglabas ng ₱1-B para sa 2024 Marawi Siege Victims Compensation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inapubrahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order na nagkakahalaga ng ₱1-billion para sa Marawi Siege Victims Compensation para ngayong taon.

Ang alokasyon na ito ay magbibigay ng kompensasyon para sa 574 benepisyaryo, partikular na para sa mga nasirang ari-arian at mga death claim.

Binigyang-diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagpapalabas ng pondo bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na bigyang tulong ang mga naapektuhan ng labanan.

Ang tulong pinansyal na ito, na nakalaan para sa mga biktima ng krisis sa Marawi noong 2017, ay naglalayong ipagpatuloy ang pagbibigay ng kinakailangang suporta para sa rehabilitasyon at muling pagbangon ng lungsod. 

Sakop ng kompensasyon ang mga claim para sa mga tuluyan at bahagyang nawasak na istruktura, gayundin para sa mga binawian ng buhay noong panahon ng labanan.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us