Mariing kinondena ng Department of Budget and Management (DBM) ang umano’y “malisyoso at maling impormasyon” na ikinakalat ng Medical Action Group sa social media.
Nilinaw ng DBM na walang katotohanan ang mga paratang ng nasabing grupo na inalis nito sa PhilHealth coverage ang 30 milyong benepisyaryo.
Ayon sa ahensya, wala itong kapangyarihan na basta-basta alisin ang PhilHealth coverage na nakabatay din sa itinakda ng General Appropriations Act (GAA). Ang mga pahayag ng grupo, ayon sa DBM, ay hindi lamang mali kundi nagdudulot din ng hindi kinakailangang takot sa publiko.
Kasalukuyan nang komukunsulta ang DBM sa kanilang legal team para sa posibleng aksyon laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon habang pinapaalalahanan din ng ahensya ang publiko na tiyaking tama ang mga balitang pinaniniwalaan at iwasan ang pagkalat ng mga hindi beripikadong ulat.| ulat ni EJ Lazaro