Debt-to-GDP ratio ng bansa, nananatiling manageable ayon sa economist-solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni House Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo na manageable pa ang naitalang 60.9 percet na debt-to-GDP ratio ng bansa.

Sa interpelasyon ni Camarines Sur Representative Gabiel Bordado sa General Provisions ng 2025 General Appropriations Bill, inihayag ng mambabatas ang pagkabahala sa aniya’y lumalaking utang ng Pilipinas na sa ngayon ay na sa P15.69 trillion na.

Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill, plano ng pamahalaan na mangutang ng karagdagang P2.545 trillion upang matugunan ang budget deficit.

Gayunman, iginiit ni Quimbo na “on track” pa rin ang gobyerno sa pangangasiwa ng pagkakautang laban sa laki ng kita para sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag paliwanag pa niya, na mas mahalagang tingnan ang debt-to-GDP ratio o kung gaano kalaki ang utang kontra kabuuang kita ng ekonomiya.

Kumpiyansa naman ang economist solon na makakamit ng pamahalaan ang 56.3 percent debt-to GDP ratio pagdating ng taong 2028.

Ang mahalaga aniya ngayon ay gawing produktibo ang paggamit sa inutang na pera upang mapalaki ang kita.

“ang pinaka-importante pagdating sa utang ay ang tinatawag na debt-to-GDP ratio. Ibig sabihin, hindi yung absolute amount ng utang, kundi yung relative amount ng utang. Ibig sabihin, kung gaano kalaki ang utang kumpara sa kabuoang kita ng ekonomiya…today, our debt-to-GDP ratio is 60.9%. At sa ngayon, itong debt-to-GDP ratio ay manageable. At as of now, tayo naman po ay on track to our target of P56.3. So, ang ibig sabihin, Madam Speaker, ang ating pag-manage ng utang is really sa pagpapalaki ng kita. So, in other words, kailangan pag umutang tayo, kailangan maging productive ang paggamit ng utang. So, kailangan pinapalaki natin ang ating kita para mabayaran natin ang ating utang.” paliwanag ni Quimbo

Bago ito, una nang sinabi ni Quimbo sa kaniyang sponsorship speech na titiyakin nila na ang budget na kanilang tatalakayin ay magsisilbing gabay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga Pilipino.

Aniya, ang panukalang national budget ay hindi lang mga numero—ngunit mga plano para matiyak na bawat piso ay magagamit nang tama at mararamdaman ng bawat Pilipino, lalo na ng mga pinaka-nangangailangan.

“This budget that we are proposing is a piece of the roadmap for growth, sustainable and inclusive development. It contains the various programs of government created to address problems that have emerged over time. Kaya’t sa madaling salita, ang 2025 General Appropriations Bill ay isang libro ng mga solusyon sa bawat problemang hinaharap ng pamilyang Pilipino. The proposed PHP 6.352 trillion budget for Fiscal Year 2025 is more than just a set of allocations—it reflects our commitment to improving the lives of every Filipino.” Sabi ni Quimbo | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us