Defense Sec. Teodoro: Espionage Law sa Pilipinas, dapat nang maamyendahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng Chinese spy na si She Zhijiang at ang sinasabing kasabwat nitong si dismissed Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo, nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na panahon na para baguhin ang “Espionage law” ng Pilipinas.

Ayon kay Teodoro, hindi na mahalaga kung totoong spy si Guo o hindi. Ang mas mahalaga ay maamyendahan ang batas upang maparusahan ang sino mang mapatutunayang nang-eespiya, kahit wala tayong giyera.

Sa ngayon kasi, ang “Espionage law” ng bansa ay maaari lamang gamitin kapag may digmaan.

Paliwanag ni Teodoro, dapat maparusahan ang “espionage” kahit sa panahon ng kapayapaan upang masugpo ang ganitong mga aktibidad na nakasisira sa seguridad ng bansa.

Nilinaw din ni Teodoro, na hindi Pilipino si Guo at peke ang mga dokumentong ginamit nito. Dagdag pa ng kalihim na si Guo ay kasabwat sa malawakang “illegal enterprise” na pinagmumulan ng iba’t ibang krimen. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us