Nagpulong ang Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC).
Kaugnay ito sa epektong idinulot ng mga nagdaang bagyo gaya ng Ferdie at Gener gayundin ng hanging habagat.
Pinangunahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pulong bilang chairperson ng OCD at NDRRMC kasama ang mga opisyal nito.
Dito, nagbigay ng ulat si OCD Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno kay Teodoro hinggil sa mga nagawa ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado.
Batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC, papalo na sa mahigit 350,000 pamilya o katumbas ng nasa 1.3 indibidwal ang apektado ng kalamidad.
Habang umakyat pa ng 24 ang bilang ng mga nasawi, 13 ang sugatan, at 14 ang nawawala dulot nito. | ulat ni Jaymark Dagala