Kinalampag ni dating health secretary at ngayon ay House Deputy Majority Leader Janette Garin ang Department of Health (DOH) sa atrasadong pagbili ng flu vaccine.
Aniya, dapat ay napabakunahan na ang publiko dahil flu season na.
Tinukoy ni Garin, na isa ring doktor, na ito na ang ikalimang beses na nagkaroon ng delay sa procurement ng bakuna na dapat ay ginagawa unang quarter pa lang ng taon.
Paliwanag pa niya tinutukoy ng WHO ang uri ng flu vaccine depende sa umiiral na serotype kaya naman mawawalang bisa lang ito kung disyembre pa darating ang bakuna.
“The flu vaccine is designed in such a way that at the start of the year. WHO determines what is the prevailing serotype for that year. Sayang lang pera nakalaan para doon kasi mag-iiba na ulit ang prevailing serotype sa susunod na taon. Also, it defeats the afforded protection kasi ang flu season is August until November,” saad niya.
Pinunto pa ng lady solon na pinakamainam na panahon na mabakunahan ay Hunyo o bago ang tag-ulan.
Makailang ulit nang nanawagan ang mga helath expert sa DOH na magbigay ng libreng flu vaccine noon pang Mayo.| ulat ni Kathleen Forbes