Mabilis ang naging deliberation at debate ng House Plenary sa panukalang P5.8 billion proposed budget ng Office of the Ombudsman.
Ayon kay Minority Leader Marcelino Libanan, malinaw na sa mga miyembro ng minorya ang trabaho at tungkulin ng Ombudsman.
Sa sponsorhip speech ni Manila Congressman Benny Abante hinikayat nito ang kanyang kapwa mambabatas na suportahan ang hinihinging dagdag na budget ng Ombudsman na P975 million.
Ayon kay Abante, ang naturang halaga ay para sa karagdagang posisyon para sa kinakailangang bilang ng mga abogado ng Ombudsman.
Ito ay gagamitin din para sa pagtatag ng satellite offices sa iba’t ibang probinsya sa bansa na sa ngayon ay nasa tatlo lamang. Ito ay sa probinsya ng Jolo, Pasaya at Roxas City.
Plano ng Ombudsman na magtayo ng opisina sa Sorsogon, Zamboanga, Bukidnon, Legaspi at Tuguegarao sa hangaring mas mailapit ang serbisyo sa ating mga kababayan sa naturang mga lalawigan.| ulat ni Melany V. Reyes