Kasunod ng paghagupit ng bagyong Enteng, ay nag-ikot sa ilang itinalagang evacuation sites sa Quezon City ang mga doktor at health care worker ng QC Health Department.
Ito ay para tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng lumikas lalo sa mga sakit na kadalasang dala ng mga pag-ulan.
Sa Brgy. Gulod, nagsagawa ng Dengue Duo Test ang Health Department sa mga evacuee ng Jose Maria Panganiban Senior High School.
Patuloy rin sa pagsasagawa ng dengue case investigation ng mga Disease Surveillance Officer ng QC Epidemiology and Surveillance Division.
Ipinaalala rin sa mga residente ang mga dapat gawing pag-iingat upang maprotektahan ang sarili laban sa dengue at leptospirosis. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: QC LGU