Department of Finance, sinigurong ipagpapatuloy ang pagsugpo ng  iligal na vape products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na tutugunan ng kanyang tanggapan ang pagsugpo ng pagbebenta ng illegal vape products sa merkado.

Sa kanyang pulong kasama si Japan Tobacco International (JTI) General Manager John Freda at ilang matataas na opisyales ng kumpanya, pinag-usapan ang mga paraan upang labanan ang  ipinagbabawal na kalakalan ng tabako at mabuo ang regulasyon sa vape products.

Ayon naman GM Freda, handa silang makipagtulungan sa Department of Finance (DOF) sa pagbalangkas ng patakaran upang pigilan ang paglipana ng illegal vape products.

Handa rin ang Japanese company na suportahan ang health agenda ng gobyerno at revenue collection efforts.

Una nang inihayag ni Recto ang kanyang suporta sa Department of Trade and Industry na panandaliang suspendihin ang lahat ng online selling ng vape products.

Nais niyang  siguruhing ligtas ang mga ito, at tama ang ibinabayad at nakokolektang buwis. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us