Target ng Department of Finance na makalikom ng P1.80-T na kita mula sa sin taxes hanggang sa taong 2028.
Sa pagtalakay ng plenaryo sa House Bill No 10800 0 ang 2025 General Appropriations Bill o GAB sinabi ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing na sponsor ng DOF nasa 161 billion pesos na ang nakolektang buwis mula sin tax mula January to July 2024.
Ito ay halos kalahati ng 306 billion target ngayong 2024.
Ayon kay Suansing, ang revenue collection mula sa tobacco products ay hahatiin sa Philippine Health Insurance Corporation na nasa 50 %, 30 percent para Universal Health Care o UHC habang 10 percent naman sa sa MAIP program o Medical Assistance to Indigent Patients.
Ang buwis naman mula sa heated tobacco at vape prodiucts at alcohol products ay ilalalan sa UHC na nasa 60%, MAIP 20% at 20% para sa Sustainable Development Goals. | ulat ni Melany Reyes