Magtutulungan ang Department of Education (DepEd) at Canva Philippines upang mapalakas ang mga programa sa basic education.
Layon ng naturang kolaborasyon na mapabuti ang visual communication at collaboration platforms sa basic education sa pamamagitan ng pagbibigay ng libre at pinahusay na access sa mga paaralan, mag-aaral, at guro.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang nasabing graphic design platform ay isa sa mga mahahalagang teknolohiya para sa 21st century learners.
Tinalakay din sa pulong ang iba’t ibang larangan ng pagtutulungan upang matugunan ang digital divide sa edukasyon at magbigay ng mga kinakailangang programa at teknolohiya.
Positbo namn si Canva Philippines Country Lead Yani Donato sa nasabing partnership upang matulungan ang mga mag-aaral sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear