Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Education (DepEd) kasama ang mga katuwang nito sa sektor ng edukasyon upang talakayin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Programme for International Student Assessment (PISA) sa susunod na taon.
Sa 2024 Stakeholders’ Forum na ginanap sa DepEd Central Office, ibinahagi ni Assistant Secretary for Curriculum and Teaching Janir T. Datukan ang kahalagahan ng PISA,
Ito ay ang pagtatasa na ipinapatupad ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) upang masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang bansa.
Ayon naman kay Secretary Sonny Angara, layon ng DepEd na bigyan ang mga guro at mag-aaral ng sapat na resources upang maging handa sila sa PISA, na inihalintulad niya sa isang ‘bar exam’.
Bukod sa PISA, tinalakay din sa forum ang mga posibleng pagpapabuti sa Senior High School Work Immersion program at ang pagpapalakas sa professional development ng mga guro. | ulat ni Diane Lear