Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tulong nito na maihatid ang mga digital equipment sa iba’t ibang paaralan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, napakahalaga ng naging papel ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang maiparating sa mga malalayong paaralan ang digital materials.
Halimbawa nito ang halos 1,300 TV, laptops, at accessories na magagamit ng mahigit 900 paaralan sa Region VII, Caraga at Region 10.
Bahagi ang mga kagamitang ito ng DepEd Computerization Program.
Samantala, sinabi ni Secretary Angara na magpapatupad ng reporma ang DepEd upang maiwasan ang warehousing issue na nangyari noong 2020 at 2021.
Naging dahilan ito ng pagkabalam ng distribusyon ng mga learning equipment, tulad ng mga textbooks at iba pang kagamitan.
Kabilang sa gagawing pagbabago ay ang mas maagang pagbili ng mga kakailanganing mga kagamitan. | ulat ni Rey Ferrer