Nagpaabot ng pasasalamat si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa Kamara de Representantes matapos aprubahan nito ang nasa halos Php 800 bilyong pondo para sa taong 2025.
Partikular na nagpasalamat si Angara kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez gayundin sa mga nag-sponsor ng panukala dahil sa pagpapahalaga nito sa sektor ng edukasyon.
Dagdag pa ng kalihim, patunay lamang ito na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang pagpapaganda at pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa.
Ang pag-apruba sa budget ayon kay Angara ay naka-angkla sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagyamanin pa ang edukasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga imprastraktura, pagsasaayos ng pasilidad.
Gayundin ang computerization ng mga paaralan at pagbili sa mga kagamitan sa pag-aaral ng mas maaga maging ang pagbibigay halaga sa kasanayan ng mga guro.| ulat ni Jaymark Dagala