DepEd, nagsasagawa ng survey at konsultasyon sa mga kawani nito kaugnay sa annual medical allowance na ibibigay ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang masiguro ang maayos na implementasyon ng annual medical allowance na ibibigay ng pamahalaan, nagsasagawa ngayon ang Department of Education (DepEd) ng survey at konsultasyon sa mga kawani nito.

Layon nitong makatulong sa mga gastusing pangkalusugan ng mga kawani ng pamahalaan, kabilang na ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang nasabing medical allowance na nasa P7,000 ay inaasahang magsisimula sa 2025.

Sa pamamagitan ng online survey, inaalam ng DepEd ang mga kagustuhan at pangangailangan ng kanilang mga empleyado pagdating sa mga serbisyong medikal at health insurance.

Ayon sa DepEd, ang mga resulta ng survey ay gagamitin upang makabuo ng mga alituntunin sa paggamit ng medical allowance na nakapaloob sa Executive Order No. 64, s. 2024.

Hinihikayat naman ng DepEd ang lahat ng permanent/plantilla na empleyado nito, teaching at non-teaching na lumahok sa survey. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us