Isang Department Order ang inihahanda ng DepEd upang mabago muli ang oras ng patuturo sa ilalim ng MATATAG curriculum.
Sa pagsalang ng P793.18-B na panukalang pondo ng DepEd at attached agencies nito para sa 2025, isa sa natanong kay Education Sec. Sonny Angara ay kung ano na ang plano ng ahensya sa panawagan ng mga guro na irekonsidera ang 45 minute mandatory teaching hours.
Ayon kay Angara, matapos ang pakikinig sa mga guro sa baba ay nagdesisyon sila na magpatupadd ng flexibility dito.
Aniya sa pakikinig sa mga guro, may ilan na aminadong hirap silang maipatupad ito.
Kaya depende sa school setting, bibigyang pagkakataon ang mga eskuwelahan na magpatupad ng tig-1 hour na pagtuturo sa ilang mga asignatura.
Kailangan na lang aniya nila ng isa pang dayalogo kasama ang mga guro bago maisapinal ang naturang department order. | ulat ni Kathleen Forbes