Walang problema kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon ni Senator Imee Marcos na maging independent na lamang para sa 2025 midterm elections.
Kung matatandaan, kasama sana sa senatorial lineup ng Alyansa ang senator, ngunit mas pinili nito na kumandidato mag-isa.
Sa ambush interview sa Capas, Tarlac, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtakbo bilang independent candidate ng kaniyang kapatid ay magbibigay lamang ng kalayaan na makagawa ng sariling schedule at aktibidad sa pangangampanya ang senator.
“That’s fine. That happen I’ve run as an independent myself, many times. and so that is her choice. I suppose that gives her a little bit more scope and freedom to make her own schedule and campaign in the way that she would like to do.” —Pangulong Marcos Jr.
Gayunpaman, nilinaw ng Pangulo na sakali mang naisin ni Senator Imee na sumali sa campaign sortie ng Alyansa, bukas sila na tanggapin ito, at mananatili sila sa likod ng senator.
“But, you know, the Alyansa is still behind her. We are still continuing to support her. And if down the road she chooses to join us in our campaign shortlist, she is, of course, very welcome.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan