Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang delegasyon ng Pilipinas sa New York para sa ika-79 na Sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA).
Mula Septyembre 22 hanggang 29, makikilahok si Sec. Manalo, kasama ang mga opisyal mula sa mahahalagang ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas, sa High-Level Week at mga kaugnay na pulong na nakatuon sa mahahalagang pandaigdigang hamon tulad ng pagbabago ng klima, kalusugan, at sustainable development.
Dadalo rin si Manalo sa “Summit of the Future,” na naglalayong palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa ilalim ng temang “Multilateral Solutions for a Better Tomorrow” para sa pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon sa pag-address ng mga pinakamamalaking hamon sa panahong ngayon.
Nakatuon din ang Pilipinas sa pagpapalakas sa papel ng United Nations sa pagharap sa mga krisis tulad ng mga sigalot, humanitarian emergencies, at hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa ekonomiya.
Maliban dito, co-host din ang Pilipinas sa mga side event na nagtataguyod ng nuclear disarmament at pangangalaga sa karagatan.
Makikipagpulong din si Sec. Manalo sa mga pandaigdigang lider para mangampanya sa nominasyon ng Pilipinas sa non-permanent member seat ng United Nations Security Council para sa 2027-2028.| ulat ni EJ Lazaro