Pinaplantsa na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Surigao City Local Government ang pagtatayo ng pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Katunayan, ininspeksyon na ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasama ang ilang opisyal ang proposed housing site sa lungsod.
Sinabi ni Acuzar, malaki ang potensyal ng proposed site para sa housing project dahil matatagpuan ito malapit sa highway at katapat pa ang commercial areas.
Ang proposed housing project ay pinag-usapan na sa pulong nina Acuzar, Surigao Del Norte Governor Robert Lyndon barbers at Surigao City Mayor Pablo Yves Dumlao II sa Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat para sa Lahat event.
Ang 4PH program ay flagship housing project ng gobyerno na magbibigay ng abot-kayang bahay at mababang buwanang hulog, at prayoridad ang mga mahihirap na pamilya. | ulat ni Rey Ferrer