Inaprubahan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang sampung taon na Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) ng Cotabato.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang PDPFP ay iprenisenta kahapon sa kanyang tanggapan ng provincial government.
Sa nasabing event, personal na tinalakay ni Cotabato Governor Emmelylou Taliño-Mendoza ang layunin ng PDPFP na kinabibilangan ng agriculture, agri-tourism, reforestation at infrastructure development.
Bago inaprubahan, nirepaso muna ng DHSUD-Environmental Land Used and Urban Planning and Development Bureau ang plano base sa national standards and guidelines.
Ang event ay sinaksihan ng iba pang opisyal ng DHSUD at ng LGU.| ulat ni Rey Ferrer