DILG, nagpasalamat sa Kongreso dahil sa pag apruba sa P281.3-B budget ng DILG para sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos aprubahan ang P281.3 bilyong budget ng DILG para sa 2025 na mas mataas ng anim na porsiyento sa inaprubahang halaga ngayong 2024.

Tiniyak ng kalihim sa mga mambabatas, na mapupunta sa mga programa at proyekto ng kagawaran ang pondo na naka-disenyo para makatutulong sa mga mamamayan.  

Ang mga ahensya at tanggapan sa ilalim ng kagawaran ay ang Office of the Secretary, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Local Government Academy (LGA).

Kasama din sa mga ahensiya sa ilalim ng DILG ang National Police Commission (NAPOLCOM), National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), Philippine Commission on Women (PCW), Philippine Public Safety College (PPSC) at National Youth Commission (NYC).

Sa ilalim ng panukalang budget ng DILG, ang PNP ang magkakaroon ng pinakamalaking bahagi sa 73.3% o P206.2-billion, kasunod ang BFP na may P31-billion at ang BJMP na may P29.2-billion. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us