Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy tuloy ang ginagawa nitong hakbang upang maging ‘disaster-proof’ ang mga programa at serbisyo nito sa publiko.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao, ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng adaptive at shock responsive social protection system.
Inihalimbawa ni Asst. Secretary Dumlao, kung paano nito binibigyan ng pagsasanay ang mga benepisyaryo para maging handa sa epekto ng anumang kalamidad.
Kabilang din sa mga hakbang na ginagawa ng ahensya ang pilot implementation ng Building on Social Protection for Anticipatory Action and Response in Emergencies and Disasters o B-SPARED Project.
Ang B-SPARED Project ay isang anticipatory action (AA) pilot initiative ng ahensya na layong magbigay ng protective measures bago pa man dumating ang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa