Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakitaan ng impeksyon sa baga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakitaan ng hinihinalang impeksyon sa kaniyang kaliwang baga si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo makaraang ganap nang mailipat ang kustodiya kay Guo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City Jail Female Dormitory.

Ayon kay Fajardo, ito ang lumabas sa findings ng mga doktor na sumuri kay Guo sa PNP General Hospital bagaman nasa maayos na kalagayan sa pangkalahatan ang dating Akalde.

Nakaranas kasi ng ubo at sipon si Guo habang nakapiit sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame, subalit hindi batid kung paano niya ito nakuha.

Dahil dito, ilalagay muna si Guo sa isolation kasama ang tatlonh iba pang Person Deprived of Liberty (PDL) na papagaling na mula sa sakit na Tuberculosis.

Ipauubaya naman na ng PNP sa BJMP ang gamutan kay Guo mula sa tinamong karamdaman. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us