Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naaresto na sa Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hawak na ng Indonesian Police si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kasalukuyang pinaghahanap dahil sa kaniyang pagkakasangkot sa industriya ng POGO sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa isang mensaheng kaniyang ipinadala sa mga mamamahayag sa Kampo Crame.

Sinabi ni Abalos na batay sa ulat sa kaniya ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil, mayroon nang ginagawang pakikipag-ugnayan ang Indonesian Police sa PNP hinggil dito.

Sa hilaway na pahayag naman, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Jaime Santiago na batay sa impormasyong ipinabatid sa kaniya ng Indonesian Police ay naaresto si Guo sa Tangerang City sa Jakarta ala-1:30 ng madaling araw.

Kasalukuyang nakadetene si Guo sa himpilan ng Pulisya sa Jatanras Mabes Polri. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us