Nakabalik na sa Pasig City Jail Female Dormitory si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos na dumalo sa pagdinig sa Senado.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, dumating ang convoy ni Guo bandang alas-4:30 ng hapon.
Si Guo ay lulan ng coaster na gwardiyado ng mga tauhan ng BJMP at PNP.
Umalis ang kaniyang covoy sa Senado ng alas-3:45 ng hapon kung saan dumalo ang dating alkalde sa excutive session ng Senado kaugnay sa operasyon ng ilegal na POGO sa Porac, Pampanga.
Sinabi rin ni Bustinera na dumaan sa proseso at pagkapkap si Guo at ngayon ay naibalik na sa kaniyang selda. | ulat ni Diane Lear