Giniit ni dismissed Mayor Alice Guo na isa lang siyang biktima sa operasyon ng mga POGO sa bansa.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, tinanong ni Senador JV Ejercito si Guo kung siya ba ang maituturing na mastermind ng POGO operations sa bansa.
Sinabi naman ng dating alkalde na hindi siya ang mastermind at hindi rin sila guilty.
Kasunod nito ay nagkaroon ng executive session ang mga senador kasama si Alice Guo.
Bago ang executive session, sinabi ni Ejercito na umaasa siyang sa close-door meeting na ito ay ikakanta na ni Guo kung sino ang mga most guilty sa isyung ito.
Alang-alang na lang aniya sa mga biktima ng mga naging biktima ng mga POGO-related activities.
Sinabi rin ng mambabatas na titiyakin ng Senado ang seguridad ni Guo sakaling pangalanan nito ang mga totoong mastermind ng mga POGO.
Nakatakda pang ipagpatuloy sa susunod na linggo ang executive session ng mga senador kasama si dating Mayor Alice.| ulat n Nimfa Asuncion