Uumpisahan na ng Pasig City Government ang pamamahagi ng Local Senior Pension sa mga pensioner sa lungsod simula sa Oktubre 2-4 , 2024.
Sa abiso ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pasig City LGU, ang bigay na pension ay para sa ikatlong quarter ng taon mula Hulyo hanggang Setyembre.
Para sa mga non-ATM holder, makukuha ang pension sa pamamagitan ng manual payout sa mga lugar na itinalaga ng bawat barangay.
Habang ang mga ATM Holder naman ay maghihintay ng anunsyo sa Pasig City Public Information Office Facebook Page.
Malalaman nila kung anong petsa sa pagitan ng Oktubre 2-4 magkakaroon ng laman ang kanilang Benefit Cash Card (ATM).| ulat ni Rey Ferrer