DMW at SSS, nagkasundo para mas mapaigting ang social security benefits ng OFWs at kanilang pamilya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Migrant Workers (DMW) at Social Security System (SSS) upang mas mapaigting ang social security benefits ng overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya.

Pinangunahan nina Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at SSS President at CEO Rolando Macasaet ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa SSS Main Building sa Quezon City.

Layon ng kasunduang ito na maglunsad ng malawakang kampanya upang ipaalam sa mga OFW ang tungkol sa mga programa at benepisyo ng SSS.

Ayon kay Secretary Cacdac, malaking hakbang ito upang masiguro ang magandang kinabukasan ng mga OFW lalo na sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Samantala, tiniyak ni SSS President Macasaet ang kanilang buong suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng kanilang mga programa.

Aniya, dati ay nasa isang milyon lamang ang miyembro ng OFW sa SSS, ngunit ngayon ay umabot na ito sa apat hanggang limang milyon dahil sa kanilang mga kampanya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us