Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko laban sa naglipanang illegal recruiters sa social media at iba pang online platforms.
Sa abiso ng DMW, kailangang i-verify muna sa kanilang tanggapan kung may lisensya ang isang recruitment agency.
Sa pamamagitan nito, matiyak na lehitimo at totoo ang pangakong trabaho sa abroad.
Maaari ding i-check ng publiko ang mga approved job orders sa kanilang tanggapan mula sa nag-aalok na bansa.
Apela pa ng DMW na isumbong sa Migrant Workers Protection Bureau ang kaduda-dudang recruitment sa kanilang lugar o mga fake overseas job posting sa social media.| ulat ni Rey Ferrer