DMW: Iba pang Pilipino na naapektuhan ng crackdown operation sa Laos, nakatakda na ring umuwi ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakatakda na ring umuwi sa Pilipinas ang iba pang mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa Laos.

Ayon kay Secretary Cacdac, inaayos na rin nila ang flight pauwi sa Pilipinas ng naturang mga Pilipino.

Ang naturang mga Pilipino ay unang nasagip mula sa pinapasukan nilang illegal companies sa Laos.

Nauna naman nakauwi sa Pilipinas ang 52 biktima.

Sila ay mula sa kabuuang 75 Pinoys na nakasama sa crackdown operation ng Laos authorities. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us