Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na makakauwi na sa Pilipinas sa Oktubre 3 ang 15 overseas Filipino workers na nag-avail ng voluntarty evacuation dahil sa kaguluhan sa Lebanon.
Tinukoy ni DMW OIC Usec. Fely Bay ang mga OFWs na nasuspinde ang flights sa pag uwi sa bansa noong Setyembre 26, 2024.
Lahat ng paraan ay ginagawa na ng DMW para mahikayat ang mga Pinoy na umuwi ng bansa sa pamamagitan ng voluntary repatriation.
Gayunman, tuloy-tuloy ang repatriation ng mga OFW mula sa nasabing bansa.
May 11,000 Pinoy sa Lebanon at marami sa kanila ang permanent resident na rin doon.
Sabi pa ni Usec. Bay, tulad ng iba, pagdating ng mga OFW ay bibigyan din sila ng financial assistance mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang porma ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa ngayon ay nasa alert level 3 ang sitwasyon sa Lebanon at wala pang assessment kung itataas sa level 4 para sa mandatory evacuation ng mga Pinoy doon. | ulat ni Rey Ferrer