Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasawi o nasaktan sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Ito ang ibinalita ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.
Ayon kay Cacdac, umaasa siyang mananatiling ligtas ang mga Pilipino at bubuti na rin ang sitwasyon sa Lebanon.
Una nang iniulat ng Lebanese Health Ministry na hindi bababa sa 492 ang mga nasawi at 1,645 ang nasaktan dahil sa air strikes ng Israel.
Samantala, sinabi ni Cacdac na 430 na mga Pilipino ang nag-avail na ng libreng repatriation, kung saan halos 100 sa mga ito ang nagpa-repatriate ngayon lang Setyembre.
Matatandaang nananatili ang Lebanon sa Alert Level 3 na nangangahulugan ng voluntary repatriation. | ulat ni Diane Lear