DMW, mahigpit na binabantayan ang kaligtasan ng Filipino seafarers at kanilang mga pamilya alinsunod sa atas ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na kasalukuyan silang naghihigpit sa mga Filipino seafarers na maglayag sa mga lugar na mataas ang peligro.

Sa pagharap ni Cacdac sa House Appropriations Committee para sa kanilang 2025 proposed budget sinabi nito na alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. prayoridad nila na protektahan ang buhay ng mga Pilipinong marino at kanilang mga pamilya.

Aniya, kabilang sa paghihigpit na ito ay hindi nila pinapayagan ang mga Pinoy seafarers na sumakay sa barkong naging target na ng 40 pag-atake sa high-risk areas.

Sa ngayon aniya, limang ship owners na  naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden ang  pinagbabawalan nilang sakyan ng mga Filipino seafarers dahil sa tatlong pangunahing kaso gaya ng hinostage ito sa port of Hodeida,Yemen kung saan dalawang Pilipino ang namatay habang ang iba ay nawawala pa sa ngayon.

Aniya, base sa international shipping community, 70% ng international ships ay umiiwas nang dumaan sa high-risk areas upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang crew members.  | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us