DMW, nagbabala sa publiko laban sa mga online job scam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa mga pekeng alok na trabaho sa ibang bansa na kumakalat sa mga Facebook group, social media platform, at iba pang website na nagpapanggap na mga lehitimong online job portal.

Sa inilabas na Advisory 26 Series of 2024 ng DMW na nilagdaan ni Secretary Hans Leo Cacdac, ginagamit umano ng mga scammer ang mga pangalan, address, at logo ng lehitimong recruitment agencies upang linlangin ang mga naghahanap ng trabaho.

Pinapayuhan ng ahensya ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, na makipag-ugnayan lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies.

Ayon sa DMW, para maberipika ang legalidad ng isang recruitment agency, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng ahensya sa www.dmw.gov.ph.

Hinihikayat din ng DMW ang publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad o posibleng illegal recruitment scam sa Migrant Workers Protection Bureau sa pamamagitan ng email sa [email protected] o sa numero bilang 8721-0619. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us