Nanawagan si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac sa mga miyembro ng House Appropriations Committee na ibalik ang ₱97 million budget ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO).
Sa ilalim kasi ng 2025 National Expenditure Program o NEP nabawasan ng 45% ang budget ng NRCO at ngayon ay nasa 53.72 million na lamang.
Ayon kay Cacdac, mahalaga na maipagpatuloy ang reintegration services sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.
Layon ng NRCO na suportahan ang long-term goals ng mga OFWs kapag umuwi sila sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes