Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lahat ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na magparehistro bilang overseas voter upang makalahok sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon sa DMW, sa September 30, 2024 na ang huling araw ng pagpaparehistro, kaya’t hinihikayat ng ahensya ang lahat ng mga OFW na samantalahin ang pagkakataong ito.
Ito ay upang maiparinig ang kanilang boses at makibahagi sa pagpili ng mga susunod na namumuno sa bansa.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Overseas Registration o Certification Application, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng Commission on Elections (COMELEC) sa https://comelec.gov.ph
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang pagboto ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkamit ng mga pangarap para sa kinabukasan ng Pilipinas. | ulat ni Diane Lear