Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang kahandaan na tulungan ang 22 years old na Filipina na biktima ng sadistic sexual abuse sa Zurich, Switzerland.
Sa budget deliberation ng DMW sa plenaryo, nanghingi ng update si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas sa lagay at tulong ng gobyerno sa ating kababayang ikinulong at inabuso ng mag- asawa na 22-year-old na Pinay, na pinangakuan ng residence permit.
Base sa ulat, ang PIlipinang biktima ay na-recruit online at pinangakuan ng residents visa pero ginawang sex slave simula July 2018 hanggang April 2019.
Ang pang aabuso umano ay mula sa BDSM sexual abuse kung saan ipinapagawa ang ibat ibang klase ng sexual practice.
Ang Filipina victim ay may kasamang 30-year-old na Brazilian na ginawa naman na “house slave” at ikinukulong ng 15 oras kada araw.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Jill Bongalon, nakikipag ugnayan na ang Kagarawan sa Geneva upang asistihan at i-locate ang biktima.
Sa katunayan aniya dumalo ang DMW sa hearing sa Zurich kaugnay sa kaso.
Aniya, patuloy ang kanilang koordinasyon sa kagawaran sa Geneva government para sa tamang handling ng kaso at ma-secure at mabigyan ng suporta ang biktima. | ulat ni Melany Valdoz Reyes