DND, handang harangin ang anumang pagtatangkang ilipat sa Kampo Aguinaldo ang kustodiya kay Pastor Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang maghain muli ng petisyon ang Department of National Defense (DND) para harangin ang mosyon ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na mailipat ang kustodiya nito sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Defense Assistant Secretary Erik Dy, isusumite nila ang nasabing petisyon sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) bukas.

Hinihintay pa aniya nila ang kopya ng mosyon ng kampo ni Quiboloy na isinumite naman sa QC RTC para kanilang maisunod ang petisyon kontra rito.

Kahapon, inihain na ng DND ang kaparehong petisyon sa Pasig City RTC kung saan unang naghain ng mosyon ang kampo ni Quiboloy.

Giit ni Assistant Secretary Dy, hindi miyembro ng militar ang mga akusado at wala naman silang hinaharap na kaso sa General Court Martial kaya’t walang pangangailangan para ipiit sila sa Kampo Aguinaldo.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us