Sinabi ni House Appropriation Vice Chair at Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella at siyang ring budget sponsor ng Department of Energy (DOE) na makikipag-ugnayan sila sa Office of the Solicitor General para sa pagpapatupad ng ruling ng Korte Suprema ng “unbundling” ng detalye ng fuel cost ng oil companies.
Sa interpellation ni ACT Teachers Partylist France Castro sa plenary deliberation ng P3.08 billion budget ng DOE, sinabi ni Fuentebella na kukunsultahin din nila ang Philippine Competition Commission sa magiging hakbang ng DOE.
Kamakailan ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema kung saan pinagtibay nito ang validity ng inisyung memorandum circular na nagmamandato sa oil companies na i-disclose ang detalye ng kanilang price adjustments.
Tinataya namang aabot sa 2-3 months bago ito mapatupad matapos ang pag-aaral at konsultasyon dahil aniya nais nilang tiyakin na wala silang malalabag na batas pabor sa oil companies.
Ang unbundling ay upang matiyak na patas ang pump price ng petroleum products at isulong ang social protection. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes