Nagpasalamat si Finance Secretary Ralph Recto sa House Appropriations Committee sa pagendorso nito ng P33.75- billion para sa 2025 proposed budget.
Ayon kay Recto prayoridad ng budget sa susunod na taon ang digitalization para sa episyenteng tax administration at public service.
Aniya, ang budget taon-taon ng Department of Finance (DOF) ay sumasailalim sa strategic priorities sa ilalim ng Bagong PIlipinas brand of governance at bahagi ng pagsisikap na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Sa ilalim ng panukalang budget ng DOF na P33.75 billion, mas mataas ito ng 20.8% kumpara sa 2024 GAA.
Ang P29 billion ay susuporta sa core operations ng DOF at mga priority programs nito habang pangungunahan naman ni Insurance Commission o IC, Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs ang Digitalization efforts.
Sinabi ni budget sponsor Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing na sulit ang ibibigay na budget sa kagawaran dahil kapalit nito ay tinatayang nasa 17.68 billion pesos na kita para sa loob ng 2 araw lamang. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes