Pinapalakas ng Department of Health – Davao Center for Health Development ang pagsisikap para sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya. Dahil diyan, nagtipon-tipon ang mga stakeholder at community-based organizations kahapon, September 23, 2024, sa Apo View Hotel, Davao City.
Layon ng naturang aktibidad na pagtibayin ang support coordination sa pamamagitan ng pag-uusisa sa kakayahan at lakas ng iba’t ibang partners. Ang mga kalahok ay makikipagtulungan sa ibang partners para sa pagpapaabot ng tamang impormasyong napapanahon para makamit ang mas kaaya-ayang resulta para sa kalusugan.
Pinangunahan ni DOH XI Assistant Regional Director- Dr. David Mendoza ang naturang aktibidad na bahagi ng inisyatiba ng Health Education and Promotion Section ng DOH XI na pinanguluhan ni Ms. Yasmin P. Mandangan – HEPO III, kasama ang suporta ng mga resource speakers na sina Dr. Hansel Amoguis – Infectious Disease Cluster Head, Dr. Kris Claudette Trangia – Medical Officer IV, Ms. Mahadeah Emberga – MAIFIP Program Head, at Ms. Rodenmar Poala Reyes. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao