DOH, maglalaan ng P150-M na pondo pantugon sa MPOX outbreak sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa P150 million na pondo ang inihahanda ngayon ng Department of Health (DOH) bilang pantugon sa MPOX outbreak sa bansa na sasapat para sa tatlong buwan.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa sa pagharap sa House Appropriations Committee na tumatalakay sa kanilang panukalang P304 billion 2025 budget.

Bahagi naman ng paghahanda anila ang pakikipag negosasyon sa ASEAN countries para makakuha ng anti-viral treatments at bakuna kontra MPOX.

Nakikipag-ugnayan din aniya sila sa World Health Organization (WHO) para mapalakas ang testing capacity ng Pilipinas.

Sa ngayon, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) aniya ang national referral laboratory para sa MPOX testing at genomic sequencing.

Inaaral na rin aniya ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang posibilidad ng paglalabas ng compassionate special permit ng anti-virals, at probationary certificate of product registration at monitored release sa mga bakuna.

Sabi pa ng kalihim, maglulunsad sila ng ng community dialogues upang ipabatid sa publiko ang mga impormasyon hinggil sa MPOX. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us