DOH, nag-inspeksyon sa mga barbershop at spa sa Quezon City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sorpresang nag-inspeksyon si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa mga barbershop at spa sa Quezon City.

Ito ay bahagi ng kanilang pagbibigay ng tamang impormasyon kung papaano maiwasan ang pagkalat ng monkeypox (mpox) sa mga nabanggit na establisimyento.

Kasama ni Herbosa ang mga kinatawan ng City Health Department ng lungsod nang magsagawa ng inspection.

Pinuntahan ng mga Health Officials ang Gruppo Barbero Manila at New York Health Spa na kapwa nasa Timog Avenue, Quezon City.

Naglagay ng mga guidelines ang DOH sa loob ng dalawang establishment para paalalahan ang mga empleyado at kanilang customers kung papaano makakaiwas sa mpox.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us