Pinirmahan na ng Department of Justice at Integrated Bar of the Philippines ang bagong rules sa preliminary investigation sa lahat ng mga kaso bago isampa sa korte.
Mismong sina DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla at IBP National President Antonio Pido ang nanguna sa pagpirma sa bagong Memorandum of Agreement.
Layunin nito na magkaroon ng mas mabilis, mura at kasiguruhang conviction sa isang kaso bago isampa sa korte.
Sabi ni Remulla, hindi lamang daw probable cause ang hangad ng DOJ sa isang kaso na isasampa sa korte kundi ang certainty of conviction.
Marami daw kasing mga kaso ang nababasura lamang ng korte dahil sa kakulangan ng sapat na katibayan sa tuwing isasampa.
Kaya naman, hangad ngayon ng DOJ at IBP na magkaroon ng sapat na katibayan patungo sa conviction sa isang akusado bago dalhin sa korte. | ulat ni Michael Rogas